Customs chief nasa hot water dahil sa hot meat
December 29, 2006 | 12:00am
Nasa "hot water" umano si Commissioner Napoleon "Boy" Morales kaugnay sa misteryosong pagkawala ng mahigit P20 milyong kontaminadong karne ng baboy habang nasa ilalim ng kustodiya ng kanyang tanggapan.
Nakatakdang ilabas anumang araw mula ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kanilang report sa maeskandalong importasyon ng mga kontaminadong pork meat na inangkat mula sa bansang China. Ang apat na container vans na idineklarang naglalaman ng mackerel ay nasabat ng CIDG-Task Force on Anti-Smuggling matapos madiskubreng mga karneng baboy ang inangkat ng Asia Golden Pork Marketing.
Inatasan ni Comm. Morales ang kanyang mga tauhan na ilagay sa Sigma Seven Storage and Warehouse sa Manila Harbor Center ang mga nakumpiskang kontrabando subalit makalipas ang ilang lingo ay nawala ang mga imported pork meat.
Kinumpirma rin ng Bureau of Animal Industry (BAI) na pinalitan ang mga selyo na kanilang inilagay matapos nakawin ang tone-toneladang karneng baboy. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest