Nabatid kay Philippine Consul General in UAE Vicente Vivencio T. Bandillo sa Department of Foreign Affairs (DFA) na mismong si Highness Sheik Mohammad Bin Rashid Al Maktoum, ruler ng Dubai, ang nagpatong ng kanyang kamay sa pagbibigay ng kanyang kapatawaran kina Emerson Cruz Cabal, Celso Vivas Morales, Edgardo Garovillas Castillo, Rolando Cabote Arogar, Francisco Magbitang dela Cruz, Rolando Pajarilio Tornito, Reynaldo Barrientos Abejero, George Victor Escubio Carmen, at Ernesto Natabid Rabe.
Ang siyam ay pawang convicted sa kasong may kaugnayan sa droga o narcotics-related crimes.
Ito umano ang unang pagkakataon na pinatawad ang mga itinuturing na convicted criminals na hindi man lamang nakapag-serbisyo ng halos sa kalahati ng kanilang sentensiya sa loob ng kulungan.
Napag-alaman na sa siyam na OFWs ay tanging sina Arogar at dela Cruz lamang ang nakapag-serbisyo ng mahaba-haba sa loob ng 7 taon sa kulungan, habang si Morales ay 4 taon lamang.
Base sa Dubai Emirate penal laws, ang life sentence sa UAE ay katumbas ng 25 years jail term. (Rose Tesoro)