Kinilala ang biktima na nasawi na si Ma. Theresa Tarrayo, 33. Nabatid na namaga ang baga ni Tarrayo at hindi na kinaya pang huminga. Kritikal pa rin ang 3-anyos na anak nito.
Samantala, nangako naman ang pamunuan ng Unitop mall sa mga pamilya ng mga biktima na sasagutin ang lahat ng gastusin sa pagpapalibing at ospital. Mahigit P100,000 umano ang ipinangakong tulong nito.
Bagaman itinatanggi ng may-ari ng mall na silay nagpabaya, pinag-aaralan na ng Bureua of Fire Protection ang pagsasampa ng kasong kriminal at administratibo sa Taiwanese trader na si Cheong Yong alyas Kenneth Tan, may-ari ng Unitop, matapos mabatid na nakapadlock ang mga fire exit nito. (Joy Cantos)