Ayon kay DepEd Secretary Jesli Lapus, isa sa kanilang priority project ngayong darating na taon ang personal na alamin ng kagawaran ang mga pangalan at tirahan ng mga bata na nag-aaral at mga natigil na upang hikayatin silang muling mag-enrol at bumalik sa paaralan.
"Next year, DepEd will again campaign for pre-enrollment under Oplan Balik Eskwela and undertake household level head-count to ensure that no child/youth/adult will be left out of the education system," pahayag ni Lapus.
Lumalabas sa talaan ng DepEd na sa ngayong 2006-2007 school year ay mayroong 12.92 milyong elementary student ang naka-enroll sa elementarya habang 6.33 milyon naman ang nasa sekondarya.
Sinisiguro din ni Lapus na sa ilalim ng proyektong Oplan Balik Eskwela ay inaasahan niyang mas tataas ang enrolment sa elementary at high school sa susunod na enrollment period.
Bukod sa Oplan Balik Eskwela ay priority project din ng DepEd ang Every Child a Reader Program (ECARP) na ang layunin ay siguraduhing makakabasa ang isang estudyante para makatuntong sa susunod na baitang sa tulong at pagsisikap na rin ng kani-kanilang guro. (Edwin Balasa)