Erap, hihirit uli sa New Year
December 27, 2006 | 12:00am
Dahil bitin umano sa siyam na oras na pagdalaw sa kanyang pamilya, muling hihirit na makalabas ng kanyang resthouse si dating Pangulong Estrada mula Dis. 31 hanggang Enero 2, 2007.
Ayon kay dating Sen. Rene Saguisag, abogado ni Estrada, hihilingin nilang makabalik ang dating pangulo sa bahay ni Doña Mary sa Kennedy St., Greenhills, San Juan.
Ngayong araw nakatakdang ihain ng kampo ni Estrada ang mosyon sa Sandiganbayan Special Division para muling makadalaw sa ina at pamilya.
"Wala namang mawawala kung muli kaming magre-request sa korte, ipa-file namin iyan bukas," pahayag ni Saguisag.
Una rito ay humiling ang kampo ni Estrada na makalabas ang dating pangulo mula Dis. 24 hanggang Enero 2 pero tinutulan ito ng Philippine National Police.
Ang PNP ang nagbibigay ng seguridad kay Estrada. Ikinatuwiran ng PNP na abala na sila sa paghahanda sa nalalapit na ASEAN Summit ngayong darating na Enero.
Kaya sa halip na pagbigyan ang mahabang bakasyon ni Estrada, siyam na oras lamang ang ipinagkaloob sa kanyang "pass" ng Sandiganbayan noong Pasko.
Ipinaliwanag naman ni Saguisag na walang masama kung ilang araw ulit ang ihirit nila sa korte para muling makalabas ang dating pangulo.
"Well kung hihingi kami ng ilang oras, baka mas kaunti ang ibigay. So the most logical thing here is we will request to allow (ex) President Estrada to leave his resthouse and stay in San Juan from December 31 to January 2," sabi ni Saguisag. (Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest