Hinay-hinay lang sa pagkain

Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko na mag-ingat sa mamantikang pagkain ngayong panahon ng Kapaskuhan dahil sa posibleng magdulot ito ng malubhang karamdaman gaya ng sakit sa puso.

"These (fatty dishes and overeating) can contribute to a very, very bad nutrition and thus may lead to bouts of hypertension, hypercholesterolemia and possibly stroke," ayon kay Health Secretary Francisco Duque.

Bukod dito, pinayuhan din ng kalihim ang publiko na ayusing mabuti ang paghahanda ng kanilang pagkain upang maiwasan ang mga sakit na dulot ng bacteria.

Tinutukoy ni Duque ang mga half-cooked na pagkain na nagiging umpisa ng mga mikrobyo at sanhi ng iba’t ibang sakit tulad ng diarrhea, gayundin ang typhoid fever, hepatitis A, infection, food poisoning.

Ginawa ni Duque ang babala ngayong pagsalubong sa darating na Bagong Taon. (Gemma Garcia)

Show comments