^

Bansa

Gov. Valera ipapatawag

-
Ipapatawag ng Task Force Bersamin si Abra Governor Vicente ‘Vic’ Valera kaugnay ng pagpatay kay Rep. Luis ‘Chito’ Bersamin Jr. noong Disyembre 16 sa Quezon City.

Ayon kay PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG), Director Jesus Verzosa, ang hakbang ay upang kunin ang panig ni Valera matapos siyang ituro ng suspect na si Rufino Panday na umano’y nagpondo ng P5M para iligpit ang solon dahil tinik ito sa planong pagtakbo ng misis ng una na si Ma. Zita Valera sa gubernatorial race sa lalawigan sa 2007 elections.

Nauna nang inamin ni Panday, dating Duty Sergeant ng binuwag na Philippine Constabulary na siya ang nagsilbing lookout sa krimen.

Sinabi ni Panday, ang inisyal na P500,000 ay naibayad na sa kanila at ang balance ay ibibigay umano kapag naisakatuparan ang pagpatay sa mambabatas.

Ang nasabing halaga ay ibinigay umano sa kanila ni dating La Paz Abra Mayor Freddie Dupo na kilala namang kaalyado ni Valera.

Ayon kay Verzosa, bukod sa pagtatanong ay makakatulong din ng malaki sa imbestigasyon ng Task Force para makilala ang iba pang mga salarin at maaresto sa lalong madaling panahon ang mga sangkot sa krimen.

Idinagdag pa ng opisyal na malaki ang maiaambag ng magiging pahayag ni Valera dahil sa may mga inihayag itong ibang anggulo na dapat imbestigahan din ng Task Force. (Joy Cantos)

ABRA GOVERNOR VICENTE

AYON

BERSAMIN JR.

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DIRECTOR JESUS VERZOSA

DUTY SERGEANT

JOY CANTOS

LA PAZ ABRA MAYOR FREDDIE DUPO

TASK FORCE

VALERA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with