^

Bansa

NPA magtataas daw ng permit-to-campaign fees

-
Nagpaplano umano ang New People’s Army (NPA) na magtaas ng kanilang singil para sa permit-to-campaign fees sa mga pulitikong kandidato para sa darating na 2007 elections.

Ayon kay Jesuit priest Father Romeo Intengan ng Partido Demokratiko Sosyalista ng Pilipinas, nagpapatunay lamang ito na ang nasabing rebeldeng grupo ay hindi isang revolutionary movement kundi isang ‘big-time extortion gang’ na nagsasagawa ng kanilang operasyon sa bansa.

Nakatakdang magdiwang ng kanilang anibersaryo bukas ang NPA subalit tila mananatili na lamang umano ang imahe nito bilang isang bandido na sangkot sa extortion, robbery at iba pang uri ng kriminalidad.

Naniniwala rin si Intengan na hindi magdadalawang isip ang mga rebelde na pumatay para sa pera dahil nais ng mga ito na paigtingin ang extortion activities at makalikom ng pera upang makabili ng matataas na kalibre ng baril.

Batay sa dokumentong nakalap ng militar, lumilitaw na ang mga NPA ay humihingi ng  tatlong hanggang 10 porsiyento mula sa pondo ng mga kandidato kapalit ng kanilang permit upang makapagkampanya sa mga lugar ng NPA sa susunod na taon. (Doris Franche)

AYON

BATAY

DORIS FRANCHE

FATHER ROMEO INTENGAN

INTENGAN

NAGPAPLANO

NAKATAKDANG

NEW PEOPLE

PARTIDO DEMOKRATIKO SOSYALISTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with