Ipinabatid din ni US Forces in the Pacific Commander, Adm. William J. Fallon na ihihinto na rin ng America ang lahat ng tulong at reconstruction program ng American military dito sa bansa at ibabalik lamang ito kung handa ang Pilipinas na ibigay sa mga sundalong Amerikano ang kanilang legal rights.
Sinabi pa ni Fallon na hindi umano sinunod ng Pilipinas ang nakapaloob na kasunduan sa VFA na lahat ng American military personnel ay kinakailangang ilagay sa custody ng US habang hindi pa natatapos ang criminal proceedings kasama na ang anumang apela at hanggang sa final resolution ng kaso.
Sa kaso umano ni Smith ay malaki ang nagawang paglabag ng Pilipinas sa VFA kayat tila lumalabas umano na wala nang silbi pa ang kasunduan. (Rose Tesoro)