^

Bansa

US umatras na sa VFA!

-
Nang dahil lamang sa Subic rape case at pagkabigong makuha ang custody ng convicted rapist na si US Marine Lance Cpl. Daniel Smith ay umatras na ang America sa Visiting Forces Agreement (VFA) at kinansela na rin nito ang US military exercises sa Pilipinas.

Ipinabatid din ni US Forces in the Pacific Commander, Adm. William J. Fallon na ihihinto na rin ng America ang lahat ng tulong at reconstruction program ng American military dito sa bansa at ibabalik lamang ito kung handa ang Pilipinas na ibigay sa mga sundalong Amerikano ang kanilang legal rights.

Sinabi pa ni Fallon na hindi umano sinunod ng Pilipinas ang nakapaloob na kasunduan sa VFA na lahat ng American military personnel ay kinakailangang ilagay sa custody ng US habang hindi pa natatapos ang criminal proceedings kasama na ang anumang apela at hanggang sa final resolution ng kaso.

Sa kaso umano ni Smith ay malaki ang nagawang paglabag ng Pilipinas sa VFA kaya’t tila lumalabas umano na wala nang silbi pa ang kasunduan. (Rose Tesoro)

vuukle comment

AMERIKANO

DANIEL SMITH

FALLON

IPINABATID

MARINE LANCE CPL

PACIFIC COMMANDER

PILIPINAS

ROSE TESORO

VISITING FORCES AGREEMENT

WILLIAM J

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with