Sinabi ni Wilson Fortaleza, pangulo ng Sanlakas, miyembro ng Progresibong Alyansa ng mga Tagatangkilik ng Tubig sa Kamaynilaan (PATTAK) na sobrang pahirap ang dadalhin ng mahihirap na Pilipino sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon at madaragdagan pa ang problema kapag naitaas ang singil sa tubig.
Sinabi ni Fortaleza na kung nagawang maisantabi ng mga mambabatas at ng administrasyon ang usapin sa Chacha dahil sa pagmamaktol ng taumbayan, mas nararapat umanong ipagpaliban ang pagtaas sa singil sa tubig dahil direkta nitong tatamaan ang bulsa ng publiko lalu na ang mahihirap na mamamayan.
Nagplano ang Maynilad at Manila Waters na magtaas ng singil sa tubig ng may 42 hanggang 48 sentimo kada cubic meters.Samantala, isang noise barrage ang ipinaramdam kahapon ng naturang grupo sa Welcome Rotonda para ihayag ang kanilang pagtutol sa panibagong taas sa singil sa tubig. (Angie dela Cruz)