Base sa record na nakalap ni Parañaque Rep. Roilo Golez, pinakahuling biktima si Abra Rep. Luis Bersamin Jr., na pinaslang sa Quezon City noong Disyembre 16.
Pinatay din ngayong 2006 si Biliran Governor Danilo Parilla; mga mayors na sina Marc Ysrael Bernos ng La Paz, Abra; Luis Biel III ng Isabela City; Delfinito Albano ng Ilagan, Isabela; Nathaniel Onia ng Allacapan, Tuguegarao; George Yabes ng Maitum, Sarangani.
Pinaslang din si dating Mayor Manguntra Unter Macapaar, ng Matanog, Maguindanao.
Napasama rin sa listahan ng mga napaslang si dating vice mayor Fernando Batul ng Puerto Prinsesa at Edwin Vidal ng Palawan.
Umabot naman sa pitong konsehal ang pinatay at ito ay sina Ruel Divina (Parañaque); Maximo Frivaldo (Irosin, Sorsogon); Paul Anthony Benito Lucero (Bantay, Ilocos Sur); Roberto Victoria (Pulilan, Bulacan); Roy Agustin (Leyte, Tacloban); Julie Velasquez (Culong, Nueva Ecija at Fidel Garcia (Matatalab, Tarlac).
Maliban pa sa mga nabanggit na elected officials na minalas ngayong 2006, pinatay rin ang 12 barangay chairman; isang judge; isang assistant solicitor general; 17 miyembro ng Bayan Muna; tatlong miyembro ng Anakpawis; tatlong miyembro ng Bayan, at pitong miyembro ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas.
Kaugnay nito, hinikayat ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang Kongreso na buhayin na ang death penalty law. (Malou Escudero)