^

Bansa

Isa sa pinakamahusay na ospital sa Caloocan, operational na

-
Operational na ang President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center (PDMMMC) at maaari nang makapagsilbi sa mga mahihirap na residente sa Caloocan.

Ayon kay Caloocan City Mayor Enrico "Recom" Echiverri, makakasiguro na ngayon ang mga residente ng lungsod na makakatanggap sila ng maayos at mahusay na serbisyo sa mga magagaling na medical staff ng PDMMMC.

Iniulat din ni Echiverri na kabilang ngayon ang PDMMMC sa isa sa pinakamagaling at pinakakumpletong pagamutan sa bansa ayon na rin sa Department of Health (DOH) Philhealth at Hospital Association of the Philippines.

Sa kasalukuyan ay mayroon ng Pharmacy, Laboratory, Radiology Department ang PDMMMC habang naglagay na rin dito ng Animal Bite Treatment Center na siyang mangangasiwa sa mga residente na nakakagat ng mga may rabies na hayop.

Nakapaglagay na rin ang nabanggit na ospital ng DOTS na siyang tumitingin at gumagamot ng libre sa mga taong may sakit na Tuberculosis habang nakapagpatayo na rin ng chapel sa loob ng PDMMMC.

Bukod sa mga nabanggit na mapapakinabangang serbisyo, nakakatanggap din ang mga residenteng naoospital sa PDMMMC ng iba pang benipisyo tulad ng tulong na nagmumula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para sa mga taong kapos sa pampinansiyal.

Pinapurihan din ng alkalde ang ipinakitang sipag at galing ng mga kawani ng naturang pagamutan sa pangunguna ni City Health Officer Dr. Raquel So-Sayo.

ANIMAL BITE TREATMENT CENTER

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO

DEPARTMENT OF HEALTH

DR. RAQUEL SO-SAYO

ECHIVERRI

HOSPITAL ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

PRESIDENT DIOSDADO MACAPAGAL MEMORIAL MEDICAL CENTER

RADIOLOGY DEPARTMENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with