^

Bansa

Smith sa city jail na magpa-Pasko

-
Tuluyan ng magdiriwang ng Kapaskuhan sa loob ng kulungan ang convicted rapist na si US Marine Lance Corporal Daniel Smith matapos tumangii ang Court of Appeals (CA) na maglabas ng temporary restraining order hinggil sa custody ni Smith.

Sa apat na pahinang resolusyon na sinulat ni Associate Justice Apolinario Bruselas Jr., nilinaw nito na kailangan munang determinahin kung nagkaroon ng pag-abuso sa kapangyarihan si Makati Judge Benjamin Pozon nang ipasya ng hukom na manatili sa Makati City Jail ang nasabing sundalo.

Ayon pa sa resolusyon, kung pagbibigyan ang petition ni Smith ay para na rin nilang ibinasura ang hatol o idineklara na nagkamali si Judge Pozon sa kanyang desisyon.

"A temporary restraining order may not be granted at this time because the meat of the herein petition precisely involves a determination of the regularity of the act of respondent judge in directing the confinement in the MCJ," saad sa resolusyon.

Banggit pa ng mga mahistrado, sakaling hindi sila maglalabas ng TRO ay hindi naman ito magdudulot ng perhuwisyo kay Smith.

Kasabay nito ay binigyang pagkakataon ng CA si Judge Pozon upang idepensa ang naging desisyon. Binigyan ng 10-araw ng Appeals court ang hukom upang isumite ang kanyang komento. (Grace dela Cruz)

vuukle comment

ASSOCIATE JUSTICE APOLINARIO BRUSELAS JR.

AYON

BANGGIT

BINIGYAN

COURT OF APPEALS

CRUZ

JUDGE POZON

MAKATI CITY JAIL

MAKATI JUDGE BENJAMIN POZON

MARINE LANCE CORPORAL DANIEL SMITH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with