Ayon sa intelligence reports na nakalap umano ni Duterte, ang halaga ay ibinigay sa guns-for-hire sa Maguindanao at Lanao. Hawak na ng National Bureau of Investigation, Philippine National Police at city government ang artist sketches para kilalanin ang killers.
"The assassination plot is not a political gimmickry. It is true. And I do not want Nograles to die. We will do our best to protect him," sabi ng alkalde.
"When you get the same information from more than one or two sources, there is already cause for alarm," wika pa nito at idinagdag na sinabihan na niya si Nograles na ma-ingat.
Nabatid kay Atty. Reynaldo Esmeralda, NBI deputy Director for Regional Operations, ang pagpatay ay dapat isinagawa noong Miyerkules ng gabi sa Christmas party ng Association of Regional Executives of National Agencies, na gagawin sa Grand Regal Hotel sa Davao City. Dadalo sana rito si Nograles subalit binalaan siya ng NBI.
Naniniwala si Nograles na ang planong pagpatay sa kanya ay isasagawa sa Metro Manila at hindi sa Davao.