^

Bansa

Prayer rally may basbas ng Vatican

-
May basbas umano ng Santo Papa sa Roma ang malaking prayer rally ngayong hapon sa Quirino Grandstand ng grupong Katoliko sa pamumuno ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), El Shaddai at Jesus Is Lord (JIL) Movement na dadaluhan ng hindi kukulangin sa 500,000 katao.

Ayon kay CBCP spokesman Msgr. Pedro Quitorio, nakarating sa kaalaman ni Pope Benedict XVI ang isasagawang ‘interfaith rally’ sa pamamagitan ng Papal Nuncio na siyang nagsisilbing ambassador ng Vatican sa bansa.

"Alam na po sa Vatican ang gagawing pagkilos, panalangin at pagdarasal ng grupo ng CBCP dahil araw-araw na nagsusumite po ng report ang Papal Nuncio sa Santo Papa," Ani Quitorio.

Samantala, nilinaw ng CBCP na hindi lamang pulitika ang magiging sentro ng pagtitipon kundi mangingibabaw ang sentimyento ng taumbayan laban sa "unconstitutional" na mga hakbang ng gobyerno.

Siniguro ng CBCP sa publiko na magiging matahimik at mapayapa ang kanilang pagtitipon at walang anumang papahintulutan sa kanilang mga miyembro na magdala ng banner at streamer na naglalaman ng mga pagbatikos sa gobyerno, sa halip ay mga panalangin ang kanilang dalang baon para sa minimithing kapayapaan at pagkakaisa ng mga nagkawatak-watak na mga Pilipino.

Kung may mga pulitiko mang dadalo sa prayer rally ay hindi nila bibigyan ng pagkakataon ang mga ito na magsalita sa entablado.

Ayon naman kay Sen. Franklin Drilon, magsisilbing leksyon sa administrasyong Arroyo ang malakihang prayer rally ngayon upang huwag na nilang buhayin ang Charter change o chacha.

Sinabi ni Drilon na napakahalaga ng pagtitipon ngayon sa Luneta dahil ipinapakita na ng taong bayan ang kanilang damdamin.

Umapela naman si Drilon sa PNP at AFP na huwag harangin ang mga taong gustong dumalo sa prayer rally dahil bahagi ito ng kanilang karapatan sa malayang pamamahayag.

Nangangamba ang senador na baka ulitin ng AFP at PNP ang kanilang ginawa noong kainitan ng Hello Garci scandal kung saan pinigilan nila ang pagpasok ng mga bus na naglalaman ng mga raliyista na nagmula sa karatig-lugar ng Metro Manila.

Bagamat may karapatan ang PNP at AFP na magtayo ng mga checkpoints, nakakatawa naman umanong gawin nila ito kung tirik pa ang araw. (Mer Layson/Angie dela Cruz/Lilia Tolentino/Rudy Andal)

vuukle comment

ANI QUITORIO

AYON

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

DRILON

EL SHADDAI

HELLO GARCI

JESUS IS LORD

PAPAL NUNCIO

SANTO PAPA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with