Bagamat ilang beses tinangka ng mga pasaherong sina Ana Marissa Olalia Rosario at Sheryll Carpio Mesina na tumawag sa kanilang mga "maiimpluwensiyang kakilala," isinalang pa rin ng Customs sa 100 percent inspection ang kanilang mga bagahe.
Natuklasan sa mga bagahe ng dalawa ang assorted expensive pieces of jewelries gaya ng relong Cartier na punung-puno ng diamonds, mga singsing at hikaw, gayundin ang mga relong Frank Muller, Chipard, Princess cut diamond tennis necklace na ang bawat diamond ay sinasabing 2 carat diamond.
Sa ulat ni CIIS-ID-NAIA officer-in-charge Marissa Galang, 7:30 kamakalawa ng gabi, tinawagan siya ni BoC Deputy Commissioner Celso Templo, hepe ng Intelligence and Enforcement Group (IEG) para gumawa ng operational plan pagdating ng EK 334 flight mula sa Dubai, United Arab Emirates dakong 11:30 ng gabi.
Base sa intelligence report, isang Mary Jennifer Saberon at Susan Roman Constantino ang sakay ng nasabing flight dala ang P30 milyong halaga ng ibat ibang alahas.
Ilang sandali pa, isang pasahero ang napansin ni Galang na tumugma sa description na inaabangan nila. Positibong natuklasan na sila nga ang nasabing mga pasahero.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng BoC ang mga suspek at takdang sampahan ng kaukulang kaso, habang inutos na ni Galang ang warrant and seizure detention order sa tangkang smugging ng nasabing mamahaling alahas. (Butch Quejada)