Tinira sa Mt. Carmel Church; bodyguard todas din: Solon patay sa ambush!
December 17, 2006 | 12:00am
Patay ang isang administration solon at bodyguard nito nang pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang mga armadong suspect ilang sandali matapos na dumalo ang mambabatas sa isang kasalan kahapon sa Mt. Carmel Church, New Manila sa Quezon City.
Dead-on-the-spot ang mga biktimang sina Abra Congressman Luis Bersamin, Jr. at bodyguard nito na si SPO1 Adelfo Ortega, habang sugatan ang driver ng solon na si Allan Sawadan.
Si Bersamin ay nagtamo ng dalawang tama ng bala ng baril sa ulo, habang isa si Ortega. Tinamaan naman sa kaliwang hita si Sawadan. Si Bersamin ay kapatid ni dating Quezon City RTC Judge Lucas Bersamin.
Batay sa salaysay ni Sawadan, dakong ala-5:30 ng hapon at katatapos pa lamang mag-ninong ni Bersamin sa kasal ng kanyang pamangkin at papasakay sa kanyang Ford E150 (may plakang ZAH 275) nang biglang barilin ng isa sa mga suspect si Ortega.
Napatingin dito ang kongresista subalit paglingon nito ay agad din siyang pinaputukan ng dalawang ulit sa ulo ng mga suspect.
Nakipagpalitan ng putok si Sawadan at isa pang bodyguard ng solon sa mga suspek hanggang sa tumakas ang mga salarin sakay ng isang XRM motorcycle na may plakang BQ-1709.
Nadamay sa insidente ang isang carwash boy na si Rolly Labadia, 13, na tinamaan ng ligaw na bala sa binti.
Nakakuha ng 12 basyo ng kalibre .45 ang mga awtoridad sa crime scene.
Blangko pa ang mga awtoridad sa motibo ng pagpatay.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest