Eleksiyon madugo!
December 16, 2006 | 12:00am
"Magiging madugo ang darating na 2007 elections at masesentro ang kaguluhan sa kamaynilaan."
Ito ang lumalabas sa prediksiyon ng kilalang Nostradamus ng Asya na si Jojo Acuin. Base sa kanyang nakikita, magiging kulay pula o madugo ang darating na halalan, subalit sa kabila nito ay babaha ng pera sa Maynila.
"Nakalulungkot isipin na sabay sa pagbaha ng pera sa darating na taon ay sabay ding didiligin ito ng dugo. Ito na ang pinakamadugong eleksiyon na sasaksihan ng taumbayan. Nakakatakot ang magaganap na ito," ayon pa kay Acuin.
Siniguro naman ni Acuin na ang mga kandidato na mamumuhunan ng dugo ay tiyak ding magbabayad ng dugo.
"Walang pagsidlan ang pagsisisi ng isang kandidato na nadarama ko na mamumuhunan ng dugo, dahil kung siya man ay maupo ay hindi rin siya magtatagal dahil nakikita ko ang isang international justice system na mapipilitang pumasok sa eksena ng pulitika sa bansa at siyang maglalagay sa ayos," sabi pa ni Acuin.
Tatlo rin umano ang magpapakita ng matinding lakas para maging alkalde sa Maynila at ito ay sina Sens. Panfilo Lacson at Alfredo Lim at anak ni Mayor Lito Atienza na si Ali.
Tahasan naman sinabi ni Acuin na hindi nababagay sa pagka-alkalde si Mark Jimenez samantala sa labanang Lim, Lacson at Atienza ay mas nakalalamang umano sa tagumpay ang administrasyon. (Gemma Amargo-Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended