^

Bansa

Trillanes pasok sa UNO

-
Ikinokonsidera ng United Opposition (UNO) si Lt. Senior Grade Antonio Trillanes na maging kandidato nila sa Senado sa May 2007 elections.

Ayon kay dating senador Ernesto Maceda, tagapagsalita ng UNO, pasado si Trilllanes sa kanilang criteria upang mapasama sa mga pambato ng oposisyon.

Sinabi ni Maceda na sa Enero 15 na nila ilalabas ang kanilang line-up kung saan ibabase ang kuwalipikasyon ng mga taga-oposisyon sa performance, resources at higit sa lahat ay may paninindigan laban sa mga patakaran ni PGMA.

Dahil dito, sinabi ni Maceda na hindi makukuwestiyon ang kredibilidad ni Trillanes matapos na matapang niyang pamunuan ang protesta ng ilang sundalo sa Oakwood noong 2003.

Iginiit ni Maceda na malaking bagay para sa oposisyon ang isang tulad ni Trillanes na hindi natatakot lumaban kahit pa nakakulong ito sa ngayon. (Doris Franche)  

AYON

DAHIL

DORIS FRANCHE

ENERO

ERNESTO MACEDA

IGINIIT

IKINOKONSIDERA

MACEDA

SENIOR GRADE ANTONIO TRILLANES

TRILLANES

UNITED OPPOSITION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with