Ito ang inihayag kahapon ni GCM President Lt. Gen. Alexander Yano, matapos nitong desisyunan na madaliin ang paglilitis sa mga coup plotters.
Kabilang sa mga lilitisin ay ang 19 opisyal ng elite First Scout Ranger Regiment (FSRR) sa pangunguna ng dati nitong commander na si Brig. Gen. Danilo Lim at 11 Marine officers sa pamumuno naman ni Major Gen. Renato Miranda at Marine Colonel Ariel Querubin.
"The eleven Marine officers who are detained at Fort San Felipe in Cavite City and at the Bonifacio Naval Station (BNS) in Fort Bonifacio, will be transported to Camp Capinpin for the 9 a.m. hearing," pahayag ni Yano.
Sa 11 akusadong opisyal ng Marines, anim sa mga ito ay hiwalay na nakakulong sa Fort San Felipe sa Cavite City sa pangunguna ni Querubin, samantala, lima sa mga ito sa pangunguna naman ni Miranda ang kasalukuyang nakadetine sa Marine Headquarters sa Fort Bonifacio, Makati City.
Binigyang-diin ni Yano na mayorya sa mga akusado ay nakakulong sa Camp Capinpin kaya dito nila ipinasyang isagawa ang GCM.
Ang mga akusado ay nahaharap sa kasong paglabag sa Article of War (AW) 67 mutiny o sedisyon at AW 96 conduct unbecoming an officer and a gentleman.
Ang maximum na kaparusahan sa mutiny ay kamatayan at habambuhay na pagkabilanggo.
Samantala, si Lim ay nahaharap sa karagdagang kasong AW 63 (disrespect to the President, Vice President, members of Congress at sa Secretary of National Defense), 65 (willful disobedience to a superior officer), gayundin ang 97 (conduct prejudicial to good order and military discipline).
Karagdagang kasong AW 65 naman at 97 ang kakaharapin ni Querubin. (Joy Cantos)