^

Bansa

8,000 pulis isasabak sa prayer rally

-
Ikinasa na ng Philippine National Police (PNP) ang 8,000 tropa nito sa Metro Manila partikular na sa Rizal Park kaugnay ng ilulunsad na malawakang prayer rally ngayong Linggo ng mga religious groups sa pangunguna ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) bilang pagkondena sa pagsusulong ng Charter change.

Sinabi ni PNP Chief Director General Oscar Calderon na may 1,900 pulis kabilang ang may 600 miyembro ng Civil Disturbance Management Units (CDM) ng NCRPO, Central Luzon at Southern Tagalog security forces ang ikakalat sa bisinidad ng Rizal Park, samantalang ang nalalabi pang puwersa ay itatalaga sa mga pangunahing instalasyon ng gobyerno sa Metro Manila.

Inihayag ni Calderon na inaasahan niyang magiging mapayapa ang idaraos na rally kasabay ng panawagan sa mga militanteng grupo na huwag isabotahe ang okasyon.

Inaasahang dadalo sa rally si dating Pangulong Cory Aquino, Sens. Manuel Villar, Franklin Drilon, Panfilo Lacson, Alfredo Lim at iba pang prominenteng pulitiko at personalidad.

Kabilang naman sa mga organizer ng vigil maliban sa CBCP ay ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting, Catholic Education Association of the Philippines at El Shaddai Movement.

Maliban sa Luneta Park ay mauunang magkakaroon ng prayer rally kontra Cha-cha sa mga lalawigan sa Biyernes.

Magugunita na itinakda ng CBCP ang prayer rally sa Disyembre 15 subali’t dahilan sa hindi available ang venue ay itinakda ito sa darating na Disyembre 17. (Joy Cantos )

vuukle comment

ALFREDO LIM

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

CATHOLIC EDUCATION ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

CENTRAL LUZON

CHIEF DIRECTOR GENERAL OSCAR CALDERON

CIVIL DISTURBANCE MANAGEMENT UNITS

DISYEMBRE

EL SHADDAI MOVEMENT

METRO MANILA

RIZAL PARK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with