Nanawagan din sina Reps. Douglas Cagas (Davao del Sur) atEduaro Veloso (Leyte) sa Simbahang Katoliko na pagsabihan ang obispo dahil taliwas sa diwa ng kapaskuhan na pagmamahalan at pagbibigay pag-asa ang mensaheng ipinaaabot nito sa taumbayan.
Sinabi pa ni Cagas na hindi lamang nakikisawsaw sa tubig ng pulitika ang kamay ni Tobias kundi nababahiran na rin ito ng dugo matapos na himukin ang kasundaluhan na lumahok sa isang malinaw na pampulitikang pagkilos.
Naniniwala rin si Cagas na ang panawagan ni Tobias namagpartisipa ang militar sa anti-chacha rally ay malinaw na kasong inciting to sedition o rebelyon.
Idinagdag naman ni Veloso na isang insulto hindi lamang sa bayan, kundi sa buong Simbahang Katoliko ang mga pananaw ni Tobias. (Malou Escudero)