^

Bansa

‘Bishop Tobias, makabagong Padre Damaso’ — solons

-
Inilarawan ng mga kongresistang kakampi ng administrasyon si Novaliches Bishop Antonio Tobias bilang isang makabagong "Padre Damaso" ng kasaysayan dahil sa panawagan nito sa militar na sumali sa protesta laban sa Charter change.

Nanawagan din sina Reps. Douglas Cagas (Davao del Sur) atEduaro Veloso (Leyte) sa Simbahang Katoliko na pagsabihan ang obispo dahil taliwas sa diwa ng kapaskuhan na pagmamahalan at pagbibigay pag-asa ang mensaheng ipinaaabot nito sa taumbayan.

Sinabi pa ni Cagas na hindi lamang nakikisawsaw sa tubig ng pulitika ang kamay ni Tobias kundi nababahiran na rin ito ng dugo matapos na himukin ang kasundaluhan na lumahok sa isang malinaw na pampulitikang pagkilos.

Naniniwala rin si Cagas na ang panawagan ni Tobias namagpartisipa ang militar sa anti-chacha rally ay malinaw na kasong inciting to sedition o rebelyon.

Idinagdag naman ni Veloso na isang insulto hindi lamang sa bayan, kundi sa buong Simbahang Katoliko ang mga pananaw ni Tobias. (Malou Escudero)

CAGAS

DAVAO

DOUGLAS CAGAS

IDINAGDAG

MALOU ESCUDERO

NOVALICHES BISHOP ANTONIO TOBIAS

PADRE DAMASO

SIMBAHANG KATOLIKO

TOBIAS

VELOSO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with