Ang 15 bata, na ang 10 sa kanila ay pawang mga sanggol pa lamang, ay pinaoperahan ng libre ng Unang Ginoo sa PGH kamakailan upang maiayos ang kanilang mga congenital defect. Sinagot ng pribadong foundation ni First Gentleman ang lahat ng gastusin sa ginanap na in-house medical mission sa PGH.
Ayon kay Dr. Carmelo Alfiler, director ng PGH, ang naturang in-house medical mission sa kanilang hospital kamakailan ay pang-apat na sa taong ito na pinasimulan noong 2001.
Umaabot na sa may 145 ang naoperahan ng libre, kasama ang kanilang mga gamot. (Lilia Tolentino)