Malaking protesta ng CBCP inatras
December 12, 2006 | 12:00am
Ipinagpaliban ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang kanilang nakatakdang malaking prayer rally kontra Constitutional Assembly o Con-Ass sa Disyembre 15 sa halip ay inurong sa Linggo, Disyembre 17.
Ayon kay CBCP spokesman Bishop Pedro Quitorio, ang kanilang pag-atras ay upang magbigay daan sa gagawing serbisyong medikal ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na gagawin sa Dis. 14-16 sa Luneta.
Nilinaw pa ni Quitorio na kasama nila sa malaking prayer rally ang El Shaddai at Jesus Is Lord (JIL).
Gayunman, wala pa ring nakuhang permit ang CBCP, El Shaddai at JIL para magsagawa ng prayer rally sa Luneta.
Subalit tuloy naman ang mga prayer rally sa mga probinsiya sa Disyembre 15 at hindi na ito maipagpapaliban. (Gemma AmargoGarcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest