Ang unang kasunduan na nilagdaan ng Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at panauhing si Prime Minister Abe ay ang komprehensibong pagtutulungan ng Pilipinas at Japan bilang magkalapit sa ASEAN Region. Itoy sumasaklaw sa kasunduang pangkabuhayan, mga isyung pangrehiyon at pandaigdig, pagtataguyod ng kapayapaan sa Mindanao at pagtutulungan sa larangan ng enerhiya, pangangasiwa sa pagpapagaan sa epekto ng kalamidad, pagpapaunlad ng kultura atbp.
Ang ikalawang kasunduan ay may kinalaman naman sa pagpapaunlad pa ng Pasig -Marikina River Channel na pagkakalooban ng Japan ng ayudang P73.7 M o Japanese yen 8.5 bilyon na nilagdaan naman nina Foreign Affairs Undersecretary Franklin Ebdalin at Japanese Ambassador to the Philippines Ryuinichiro Yamazaki.
Pangatlo ay ang protocol na sususog sa kasunduan ng dalawang bansa para maiwasan ang dobleng pagbabayad ng buwis na nilagdaan naman nina Finance Secretary Margarito Teves at Ambassador Yamazaki. (Lilia Tolentino)