^

Bansa

3 kasunduan nilagdaan ng RP, Japan

-
Tatlong kasunduan ang nilagdaan sa pagitan ng Pilipinas at Japan sa pagbisita ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe para higit pang mapatatag ang alyansa ng pagkakaibigan at pangkabuhayan ng dalawang bansa.

Ang unang kasunduan na nilagdaan ng Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at panauhing si Prime Minister Abe ay ang komprehensibong pagtutulungan ng Pilipinas at Japan bilang magkalapit sa ASEAN Region. Ito’y sumasaklaw sa kasunduang pangkabuhayan, mga isyung pangrehiyon at pandaigdig, pagtataguyod ng kapayapaan sa Mindanao at pagtutulungan sa larangan ng enerhiya, pangangasiwa sa pagpapagaan sa epekto ng kalamidad, pagpapaunlad ng kultura atbp.

Ang ikalawang kasunduan ay may kinalaman naman sa pagpapaunlad pa ng Pasig -Marikina River Channel na pagkakalooban ng Japan ng ayudang P73.7 M o Japanese yen 8.5 bilyon na nilagdaan naman nina Foreign Affairs Undersecretary Franklin Ebdalin at Japanese Ambassador to the Philippines Ryuinichiro Yamazaki.

Pangatlo ay ang protocol na sususog sa kasunduan ng dalawang bansa para maiwasan ang dobleng pagbabayad ng buwis na nilagdaan naman nina Finance Secretary Margarito Teves at Ambassador Yamazaki. (Lilia Tolentino)

AMBASSADOR YAMAZAKI

FINANCE SECRETARY MARGARITO TEVES

FOREIGN AFFAIRS UNDERSECRETARY FRANKLIN EBDALIN

JAPANESE AMBASSADOR

JAPANESE PRIME MINISTER SHINZO ABE

LILIA TOLENTINO

MARIKINA RIVER CHANNEL

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL ARROYO

PHILIPPINES RYUINICHIRO YAMAZAKI

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with