Sa panayam sa ilang miyembro ng international media, labis umano ang kanilang pagka-dismaya sa biglaang pagkansela ng summit na ginastusan nila ng malaking halaga sa pagtungo rito sa bansa pati na sa preparasyon ng coverage.
Dismayado din umano sila sa ilang mga hotels sa Cebu na ayaw magbigay ng kanilang refund para sa kanilang advance payment sa room reservations, gayundin ang pagsasamantala ng mga ito paniningil ng mataas.
Napag-alaman na biglaang nagtaas ng room rates ang ilang mga naglalakihang hotels rito kung saan ay sinisingil ng $200 hanggang $250 kada miyembro ng foreign media at maging ang mga national media ay nagrereklamo din sa mataas na paniningil ng mga hotels rito.
Disyembre 4 pa lang ay may mga foreign at national media ng dumating sa Cebu para mag-install ng kanilang kagamitan sa coverage kung kayat nag-advance ang mga ito ng bayad sa mga hotels hanggang sa Disyembre 15 na hindi na maaaring mai-refund pa kung saan bawat foreign media entity ay may 5 hanggang 12 hotel room accomodations para sa kanilang mga staff at crew. (Rose Tamayo-Tesoro)