Sa isang press conference sa Dusit Hotel, Makati City, inihayag ni de Venecia na nagkasundo ang mga kongresista na nagsusulong ng Con-ass na ipagpaliban ito sa loob ng 72 oras upang mabigyan ng pagkakataon ang Senado na magpasa ng isang resolusyon para sa pagpapatawag ng eleksiyon.
Kung matutuloy ang Con-Con, isasagawa ang paghahalal ng 426 delegado nito kasabay ang eleksiyon sa Mayo.Inihayag din ni de Venecia na nagkasundo ang Majority Coalition sa House of Representatives na siguraduhing matutuloy ang eleksiyon sa Mayo 14 at isasantabi na ang lahat ng panukala kaugnay sa pagbabago ng petsa ng eleksiyon.Kaugnay nito, tinutulan naman ng mga Senador ang hamon ni de Venecia na aprubahan ang constitutional convention sa loob ng 72 oras kapalit ng pagsuspinde nila sa pag-convene ng Con-ass. "Our colleagues in the House are in no position to give us deadline. The Senate should not be given a deadline on a very important and delicate issue", ani senate President Manuel Villar. (Malou Escudero /Rudy Andal)