^

Bansa

Con-ass ipagpapaliban ng 72 oras

-
Matapos na  lumakas ang panawagan para sa malawakang kilos-protesta laban sa Constituent assembly (Con-ass) na  posibleng magresulta sa panibagong People Power, biglang nagbago ang ihip ng hangin kahapon nang biglang ipasa ni House Speaker Jose de Venecia sa Senado ang responsibilidad para sa pag-amyenda ng Konstitusyon sa pamamagitan ng Constitutional Convention.

Sa isang press conference sa Dusit Hotel, Makati City, inihayag ni de Venecia na nagkasundo ang mga kongresista na nagsusulong ng Con-ass na ipagpaliban ito sa loob ng 72 oras upang mabigyan ng pagkakataon ang Senado na magpasa ng isang resolusyon  para sa pagpapatawag ng eleksiyon.

Kung matutuloy ang Con-Con, isasagawa ang paghahalal ng 426 delegado nito kasabay ang eleksiyon sa Mayo.Inihayag din ni de Venecia na nagkasundo ang Majority Coalition sa House of Representatives na siguraduhing matutuloy ang eleksiyon sa Mayo 14 at isasantabi na ang lahat ng panukala kaugnay sa pagbabago ng petsa ng eleksiyon.Kaugnay nito, tinutulan naman ng mga Senador ang hamon ni de Venecia na aprubahan ang constitutional convention sa loob ng 72 oras kapalit ng pagsuspinde nila sa pag-convene ng Con-ass. "Our colleagues in the House are in no position to give us deadline. The Senate should not be given a deadline on a very important and delicate issue", ani senate President Manuel Villar. (Malou Escudero /Rudy Andal)

CONSTITUTIONAL CONVENTION

DUSIT HOTEL

HOUSE OF REPRESENTATIVES

HOUSE SPEAKER JOSE

MAJORITY COALITION

MAKATI CITY

MALOU ESCUDERO

PEOPLE POWER

PRESIDENT MANUEL VILLAR

VENECIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with