Calunsag bagong Navy chief
December 9, 2006 | 12:00am
Iniluklok na kahapon bilang bagong Flag Officer-in-Command ng Philippine Navy si Rear Admiral Rogelio Calunsag kapalit ng nagretirong si Vice Admiral Mateo Mayuga sa isang simpleng seremonya na ginanap kahapon sa Navy Headquarters.
Si Mayuga ng Philippine Military Academy (PMA) Class 1973 ay nagretiro kahapon matapos ang isang taong panunungkulan sa Navy at mahabang taong serbisyo sa militar.
Sa kanyang liderato, itinatag ni Mayuga ang Fleet-Marine tandem na siyang nagsilbing kontribusyon ng Navy sa internal security at counter terrorism operations ng AFP. Binuo rin ni Mayuga ang "The Coast Watch South", isang maritime surveillance system upang bantayan ang pagpasok at paglabas ng kalakal at tao sa Mindanao, at ang eviction ng mga retiradong opisyal ng militar na umuokupa sa Navy quarters sa Fort Bonifacio Naval Station upang mabigyan ng magandang pasilidad ang mga aktibong Navy officers. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am