^

Bansa

Smith sa Makati jail pa rin

-
Matatagalan pa sa Makati City Jail ang convicted rapist na si Lance Cpl. Daniel Smith matapos hindi kilalanin ni Makati Regional Trial Court (RTC) Judge Benjamin Pozon ang pirma ni Chief State Prosecutor Jovencito Zuno sa inihaing manifestation ng mga abogado ni Smith na humihiling na isailalim na sa pangangalaga ng US Embassy ang kanilang kliyente.

Nakasaad sa manifestation na nagkasundo na ang gobyerno ng Pilipinas at Amerika sa ilalim ng Visiting Forces Agreement (VFA).

Ang kasunduan ay sinasabing pirmado nina US Ambassador to the Philippines Kristie Kenney at Zuno.

Nakasaad sa tratado na ang sino mang sundalo ng US na ‘convicted’ sa ano mang uri ng kriminalidad na hindi pa pinal ang hatol sa kinakaharap na kaso ay marapat na ang embahada ng Amerika ang siyang may kustodiya.

Bago nabuo ang ‘written agreement’ ng dalawang opisyal ay sinasabing nakipagpulong muna si Kenney kay DFA Secretary Alberto Romulo kung saan iginiit ang tratado sa VFA.

Kinuwestiyon ni Judge Pozon ang kapangyarihan ni Zuno na lumagda sa isang liham na nagpapahayag na may kasunduan na ang Amerika at Pilipinas kaugnay sa usapin.

Sinabi ni Pozon na kanya lamang kikilalanin ang naturang liham kung ang lumagda rito’y ang kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA) o ang kalihim ng Department of Justice (DOJ).

Gayunman, naglabas pa rin ng isang pahinang notice of hearing si Pozon sa Lunes.

Napikon naman si Justice Secretary Raul Gonzalez sa hindi pagkilala ni Pozon sa lagda ni Zuno.

Nanindigan ang kalihim na hindi maaaring balewalain ni Pozon ang VFA dahil ito’y isang kasunduan na inaprubahan ng Kongreso.

Nangangamba rin si Gonzalez na maaaring magsampa ng diplomatic protest ang US sakaling hindi tumalima si Judge Pozon sa VFA na tiyak aniyang magreresulta ng hindi magandang relasyon ng dalawang bansa.

Iginiit pa ng kalihim na mistulang siya ang napapahiya sa ginagawa ni Pozon dahil siya mismo ang humaharap sa mga opisyal ng Estados na nakikipagnegosasyon sa Pilipinas para sa kustodiya ni Smith.

Binigyang-diin pa rin ni Gonzalez na hindi na kinakailangan na siya ang pumirma ng pagsang-ayon ng DOJ sa naging kahilingan ng US. (Lordeth Bonilla/Grace dela Cruz/Mer Layson)

vuukle comment

AMERIKA

CHIEF STATE PROSECUTOR JOVENCITO ZUNO

DANIEL SMITH

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DEPARTMENT OF JUSTICE

GONZALEZ

JUDGE POZON

PILIPINAS

POZON

ZUNO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with