Miriam kakampi pa rin ni GMA

Mananatiling kakampi ni Pangulong Arroyo si Sen. Miriam Defensor-Santiago kahit si Justice Reynato Puno ang hinirang ng una bilang kapalit ng nagretirong si Supreme Court Chief Justice Artemio Panganiban.

Ayon kay Sen. Santiago, nagkausap na sila ng Pangulo kung saan ipinaliwanag ng Punong Ehekutibo ang ilang punto kung bakit si Puno ang pinili kapalit ni Panganiban.

Naniniwala si Santiago na karapat-dapat si Puno na maging SC chief dahil tulad niya ay nagtapos din ito ng abugasya sa University of the Philippines (UP), di tulad ni Panganiban na non-UP graduate bagkus ay nakilala lamang dahi sa pagiging malapit kay dating Senate President Jovito Salonga. (Rudy Andal)

Show comments