^

Bansa

US Embassy kukunin si Smith

-
Babawiin ng Amerika ang custody ni US Marine Lance Corporal Daniel Smith kung saan iginiit ang karapatang hawakan ang sundalo sa ilalim na rin ng umiiral na Visiting Forces Agreement (VFA).

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nagsampa na ang US Embassy ng Notice of Appeal kung saan binabanggit ang nakasaad sa Article V paragraph 6 ng RP-US Visiting Forces Agreement na dapat nasa kustodya ng Amerika ang citizen nila hanggat hindi natatapos ang judicial proceedings kasama na ang pag-apela ng kaso.

Pero nilinaw ng DFA na dapat manggaling pa rin kay Makati RTC Judge Benjamin Pozon ang kautusan para ibalik si Smith sa custody ng US mula sa Makati City Jail.

Samantala, nagpalit ng abogado si Smith at kinuha ang serbisyo ni Atty. Jose Justiniano, ang abogado ng kanyang kasamahang si Keith Silkwood para ilaban ang kanyang apela sa Court of Appeals (CA).

Hindi naman masama ang loob ng dati niyang abogado na si Atty. Ricardo Diaz.

Ani Diaz, ng mahatulan si Smith ay natapos na rin ang kanyang serbisyo rito. (Rose Tesoro)

AMERIKA

ANI DIAZ

ARTICLE V

COURT OF APPEALS

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

JOSE JUSTINIANO

JUDGE BENJAMIN POZON

KEITH SILKWOOD

MAKATI CITY JAIL

VISITING FORCES AGREEMENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with