Nicole lumantad na!
December 6, 2006 | 12:00am
Isang araw matapos na ibaba ng Makati Regional Trial Court ang hatol sa apat na US Marines, lumantad na sa publiko ang biktima sa Subic rape case na si "Nicole" sa isang press conference sa Quezon City kahapon.
Ayon kay Nicole, maluwag na sa kanyang dibdib ang naging desisyon ni Judge Benjamin Pozon kahit si L/Cpl. Daniel Smith lamang ang nahatulan na makulong ng habambuhay at naabsuwelto ang tatlong iba pang sundalo na sina Lance Cpls. Keith Silkwood at Dominic Duplantis, at Staff Sergeant Chad Carpentier.
Ayon kay Nicole itutuloy niya ang takbo ng kanyang buhay at ituturing niyang isang aral at hamon ang kanyang naranasan sa kamay ng apat na Amerikanong sundalo.
Iginiit ni Nicole na hindi niya ikinahihiya ang anumang nangyari sa kanyang buhay dahil nakamit naman niya ang hustisya matapos ang isang taong pakikipaglaban.
Sa katunayan, naghahanap na siya ng trabaho kung saan isang kompanya ang nag-alok sa kanya upang maging simula ng kanyang bagong hakbang sa buhay.
Kasabay nito, hiniling din ni Nicole sa mga mambabatas na muling pag-aralan ang ilang provision sa Visiting Forces Agreement (VFA) kung saan sa isang bilateral pact ay nakasaad na nararapat na sa US Embassy ikulong ang sinumang American military officer sakaling lumabag ito sa batas ng Pilipinas.
Sinabi ni Nicole na ang VFA ay hindi pantay sa pagbibigay ng hustisya tulad na rin ng ginawang kahalayan ng mga sundalo sa kanya noong Nobyembre 2005 sa Neptune Club sa Subic, Zambales.
Tutol si Nicole na mailipat sa US Embassy si Smith para doon makulong kaya haharangin ng kanyang kampo ang gagawing apela ni Smith.
Aniya, ang kasalukuyang probisyon ng VFA ay pabor lamang sa mga Amerikano at talunan ang mga Filipino.
Samantala, inamin ni Nicole na nakaramdam din siya ng awa kay Smith at mapapatawad niya ito sakaling humingi naman ito ng kapatawaran sa kanya.
Labis ding nagpasalamat si Nicole sa media, non-governmental organizations, mga madre at kay Judge Pozon sa nakamit niyang hustisya.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended