Erap humirit sa kasal ni JV

Hiniling kahapon ni dating Pangulong Joseph Estrada sa Sandiganbayan Special Division na payagang ganapin ang kasal ng kanyang anak na si San Juan Mayor Joseph Victor Ejercito sa kanyang rest house sa Tanay, Rizal.

Sa Peb. 3, 2007 nakatakdang ikasal si JV kay Cindy Lotuaco mula alas-3 ng hapon kung saan inaasahang magtatagal ang reception hanggang alas-10 ng gabi.

Sa tatlong pahinang mosyon na inihain ni Alberto Flaminiano, abogado ni Erap, hiniling nito na payagan siyang tumanggap ng nasa 200 bisita.

Bagaman at pag-aari ni Erap ang kanyang rest house, kailangan pa nitong humingi ng permiso sa Sandiganbayan bago maisagawa doon ang kasalan. (Malou Escudero)

Show comments