Sa pitong pahinang omnibus motion na inihain ng bagong Board of Trustees sa pamamagitan ng abogadong si Atty. Eduardo Escueta, nais ng mga ito na i-contempt ang mga respondents na sina Luvin Manay, Antonio Mantuano, Anselmo Geronimo, Johnson Nestor Ocfemia at Jesus Mupas.
Ipinaliwanag ng bagong mga miyembro ng Board of Trustees na bagamat natanggap na ng mga nabanggit na respondents ang notice ng TRO ay tumanggi pa rin umano ang mga ito na iwan at bakantihin ang kanilang tanggapan sa Quezon City at Villamor Airbase sa Pasay City.
Hindi rin umano kinilala ng mga naturang respondents ang resolution ng SC at kahit pa umano ang sheriff ng korte ang magbigay-alam sa kanila ng nasabing TRO ay hindi nila ito susundin.
Una nang nagpalabas ng TRO ang SC kung saan kinatigan nito na manatili bilang Board of Trustees ang mga bagong miyembro na sina ni ret. Col. Ricardo Nolasco. (Grace dela Cruz)