^

Bansa

Ex-trustees ng AMWSLAI pinapa-contempt sa SC

-
Hiniling ng bagong mga miyembro ng Board of Trustees ng Air Material Wing Savings and Loan Asso. Inc. (AMWSLAI) na patawan ng parusang contempt ng Supreme Court (SC) ang apat na dating miyembro nito dahil umano sa pagbalewala sa ipinalabas na temporary restraining order (TRO) laban sa mga ito.

Sa pitong pahinang omnibus motion na inihain ng bagong Board of Trustees sa pamamagitan ng abogadong si Atty. Eduardo Escueta, nais ng mga ito na i-contempt ang mga respondents na sina Luvin Manay, Antonio Mantuano, Anselmo Geronimo, Johnson Nestor Ocfemia at Jesus Mupas.

Ipinaliwanag ng bagong mga miyembro ng Board of Trustees na bagamat natanggap na ng mga nabanggit na respondents ang notice ng TRO ay tumanggi pa rin umano ang mga ito na iwan at bakantihin ang kanilang tanggapan sa Quezon City at Villamor Airbase sa Pasay City.

Hindi rin umano kinilala ng mga naturang respondents ang resolution ng SC at kahit pa umano ang sheriff ng korte ang magbigay-alam sa kanila ng nasabing TRO ay hindi nila ito susundin.

Una nang nagpalabas ng TRO ang SC kung saan kinatigan nito na manatili bilang Board of Trustees ang mga bagong miyembro na sina ni ret. Col. Ricardo Nolasco. (Grace dela Cruz)

vuukle comment

AIR MATERIAL WING SAVINGS AND LOAN ASSO

ANSELMO GERONIMO

ANTONIO MANTUANO

BOARD OF TRUSTEES

EDUARDO ESCUETA

JESUS MUPAS

JOHNSON NESTOR OCFEMIA

LUVIN MANAY

PASAY CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with