^

Bansa

DA, BPI kinondena ng consumers

-
Binatikos kahapon ng malaking grupo ng mga consumers ang Department of Agriculture (DA) at Bureau of Plants Industry (BPI) sa umano’y ginagawang pagkunsinti sa mga importers at traders para makopo ang industriya ng sibuyas sa bansa.

Sa inilabas na kalatas ng Kilusan ng Mamimiling Pilipino Laban sa Kahirapan (KAMPILAN), dalawang ulit na umano silang nagpadala ng liham kay Agriculture Sec. Arthur Yap hinggil sa nagaganap na cartel sa pag-aangkat at pagbebenta ng sibuyas subalit wala pa ring aksiyon ang naturang tanggapan.

Sinabi ni ret. Commodore Ismael Aparri, pangulo ng Kampilan, ibinulgar na nila ang nagaganap na bentahan ng mga Import Permits ng sibuyas mula P20,000-P40,000 subalit wala silang nakikitang aksiyon upang mapigil ito.

Sa kabila aniya ng pagbaha ng mga imported sa sibuyas, nananatili ito sa napakataas na halagang P100 kada kilo bunga na rin ng pagmanipula ng mga piling importers at traders na kumokopo sa industriya.

Ipinaliwanag pa ng grupo na kahit i-ban ng pamahalaan ang pag-aangkat ng sibuyas, pabor pa rin ito sa mga tiwaling traders at importers dahil iniimbak nila ito sa malalaki nilang bodega at unti-unti lamang ang pagbebenta para mapanatili ang mataas na presyo. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AGRICULTURE SEC

ARTHUR YAP

BINATIKOS

BUREAU OF PLANTS INDUSTRY

COMMODORE ISMAEL APARRI

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

IMPORT PERMITS

IPINALIWANAG

LORDETH BONILLA

MAMIMILING PILIPINO LABAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with