^

Bansa

DAREA prexy, pinapaaresto

-
Ipinapaaresto ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) ang presidente ng Department of Agrarian Reform Employees Association (DAREA) na si Antonia "Nanette" Pascual dahil sa kasong libel.

Sa ipinalabas na warrant of arrest ni QC Judge Ofelia Arellano-Marquez ng branch 216, pinadadakip nito si Pascual at tatlo pang sina Gloria Almazan, Marissa Fabricante at Roberto Pilapil, pawang DAREA officers.

Kaugnay ito ng kasong libel na isinampa sa kanila ni Violeta Bonilla, dating DAREA president at hepe ng Agrarian Reform Program Office ng DAR central office. Inatasan naman ng DOJ ang QC court na kasuhan ang mga respondent dahil sa matibay na ebidensiya na nagdidiin sa mga ito sa kaso.Sinabi ni Bonilla na nagsabwatan umano ang mga respondent para sirain ang kanyang reputasyon nang sulatan si Executive Sec. Eduardo Ermita ng mga mapanirang puri laban sa kanya. Binigyan ng tig-P10,000 piyansa ang mga akusado para sa kanilang pansamantalang paglaya. (Angie dela Cruz)

AGRARIAN REFORM PROGRAM OFFICE

DEPARTMENT OF AGRARIAN REFORM EMPLOYEES ASSOCIATION

EDUARDO ERMITA

EXECUTIVE SEC

GLORIA ALMAZAN

JUDGE OFELIA ARELLANO-MARQUEZ

MARISSA FABRICANTE

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT

ROBERTO PILAPIL

VIOLETA BONILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with