^

Bansa

Pagbabago sa House Rules hinarang ng Oposisyon

-
Naharang kamakalawa ng gabi ng oposisyon ang plano ng mga maka-administrasyong kongresista na baguhin ang Rules ng House of Representatives upang matanggal ang isang probisyon na magiging daan upang mapabilis ang pagbuo ng Constituent Assembly.

Gayunman, aminado si House Minority Leader FrancisEscudero na kulang ang bilang ng oposisyon upang manalo sa botohan na posibleng gawin sa Lunes kaugnay sa pag-amiyenda ng Rule 15 Section 105 ng House Rules.

Nakasaad sa nasabing rules na anumang resolusyon na ihahain ng miyembro ng House of Representatives na may kaugnayan sa pagrebisa ng Konstitusyon ay kailangang dumaan sa proseso ng isang ordinaryong bill o panukalang batas.

Si Iloilo Rep. Arthur Defensor ang naghain ng mosyon na tanggalin ang ikalawang sentence upang ang anumang resolusyon kaugnay sa pag-amiyenda ng Konstitusyon ay mapabilis at hindi na pagdaanan ang proseso ng isang ordinaryong resolusyon o House bill.

Sa kasalukuyan, ang anumang House bill na inihahain sa Kamara ay kailangang dalhin at pumasa sa Senado bago dalhin sa Malacañang at malagdaan ng Pangulo upang maging isang ganap na batas.

Ipinagtataka naman ni Escudero kung bakit minamadali ng mga maka-administrasyong mambabatas ang pag-amiyenda sa House Rules gayong may mas importanteng isyu na dapat talakayin sa Kamara kabilang na ang water shortage. (Malou Escudero)

vuukle comment

ARTHUR DEFENSOR

CONSTITUENT ASSEMBLY

HOUSE

HOUSE MINORITY LEADER

HOUSE OF REPRESENTATIVES

HOUSE RULES

KAMARA

KONSTITUSYON

MALOU ESCUDERO

SI ILOILO REP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with