^

Bansa

British general bilib sa Arroyo government

-
Pinuri ni Retired Bri-tish Gen. Sir Rupert Smith ang ginagawang hakbang ng gobyernong Arroyo sa tulong ng mga peace workers sa Mindanao upang makamit ang tunay na kapayapaan at pag-unlad sa rehiyon. Nagtungo si Gen. Smith, na dating Deputy Supreme Commander ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) noong 1988-2001 at kasalukuyang adviser ng Geneva-based Henry Dunant Center for Humanitarian Dialogue (CHD), sa Sulu at personal nitong naoobserbahan ang malaking pagbabago sa ginagawa ng gobyerno upang makamit ang tunay na kapayapaan at pag-unlad dito.Katuwang ni Smith ang tanggapan ni Executive Secretary Eduardo Ermita kung saan ay nakipag-dayalogo pa ito sa mga local government officials, civil societies at lider ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa Zamboanga at Sulu upang alamin ang development ng isinasagawang peace effort ng gobyerno partikular ng binuong Peace Working Group ng GRP at MNLF.

Aniya, hindi na lamang militarisasyon ang solusyon sa mga kaguluhang nangyayari tulad sa Mindanao kundi kailangan ang security at political reforms lalo na ang pagkakaroon ng peace talks o dialogues at sa tulong na rin mismo ng mga taong naaapektuhan ng kaguluhan."We are now using military force to change people’s intentions, change their minds. And the result of this is that military force can only be used tactically, it can only create a condition, it is not going to resolve the matter directly," paliwanag pa ni Gen. Smith. Ang pagsusu- long ng peace initiatives na ito sa Sulu at Mindanao ni Gen. Smith ay sa tulong ng Arroyo government, tanggapan ni Sec. Ermita, mga local government units at mis-mong peace workers sa apektado ng conflicts. (Rudy Andal)

DEPUTY SUPREME COMMANDER

EXECUTIVE SECRETARY EDUARDO ERMITA

HENRY DUNANT CENTER

HUMANITARIAN DIALOGUE

MINDANAO

MORO NATIONAL LIBERATION FRONT

NORTH ATLANTIC TREATY ORGANIZATION

PEACE WORKING GROUP

RETIRED BRI

RUDY ANDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with