Ex-Trustees ng AMWSLAI pinigil ng SC na makabalik sa puwesto
November 30, 2006 | 12:00am
Pinigil ng Korte Suprema ang mga dating miyembro ng Board of Trustees ng Air Material Wing Savings and Loan Association Inc. (AMWSLAI) na makabalik sa kanilang mga posisyon matapos na magpalabas ito ng temporary restraining order (TRO).
Sa dalawang pahinang resolution ng SC 1st Division, kinatigan nito ang petition ng mga bagong miyembro ng Board of Trustees ng AMWSLAI na manatili ang mga ito bilang kasapi ng board habang dinidinig ang ipinalabas na desisyon ng Court of Appeals (CA) noong Agosto 15, 2006 at Nob. 10, 2006 na nagbasura sa naganap na eleksiyon ng Board of Trustees noong Oktubre 14.
Ipinawalang-saysay ng CA ang desisyon ng dating hukom na si Judge Henrick Gingoyon ng Pasay City Regional Trial Court na nagbasura naman sa kasong isinampa ni ret. Col. Luvin Manay, Col. Antonio Mantuano, ret. Col. Anselmo Geronimo, Maj. Jose Elaurza at Lt. Johnson Nestor Ocfemia at humihiling na mapalawig pa ang TRO na ipinalabas ni Executive Judge Caridad Grecia-Cuerdo ng Pasay RTC.
Maging ang isinagawang eleksiyon ng 11 miyembro ng AMWSLAI ay pinawalang-saysay din ng nasabing desisyon ng CA.
Ilan sa mga nahalal sa board sina Cols. Ricardo Nolasco, Thaddeus Estalida at Ismael Abad at siyam iba pa.
Inatasan din ng korte ang mga dating miyembro ng board of trustees na huwag manatili sa tanggapan ng AMWSLAI at magsagawa ng kanilang trabaho. (Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended