4 Usecs ni Cruz nagbitiw!

Apat sa anim na undersecretary nang nagbitiw na si Defense Sec. Avelino Cruz ang nag-resign na rin sa kanilang mga posisyon. Kinumpirma ni Cruz ang pagbibitiw nina Undersecretaries Cecilio Lorenzo, Jose Santos, Rodel Cruz at Rafael Santos.

Ayon sa apat, kasama nilang pumasok sa DND si Cruz kaya kasama rin nila itong aalis sa departamento. Nais ng apat na bigyang laya si Pangulong Arroyo na makapamili ng mga bagong opisyal. (Joy Cantos)

Show comments