^

Bansa

P125 umento unahin bago Con-Ass!

-
Muli na namang iginiit kahapon ng mga kinatawan ng Bayan Muna na unahin muna ang pagtalakay ng panukalang P125 wage increase bago isulong ang Charter change sa pamamagitan ng Constituent Assembly (Con-Ass).

Sinabi ni Bayan Muna Rep. Joel Virador na dapat nang isantabi ng Malacañang at ng Kongreso ang Con-Ass at pagtuunan ng pansin ang mga ordinaryong manggagawa.

Naniniwala si Virador na mas magkakaroon ng tiyansa sa 2007 elections ang mga mambabatas na susuporta sa pagpasa ng panukalang P125-wage hike kaysa sa Con-Ass.

"The Supreme Court has twice rejected the Malacañang-directed People’s Initiative petition. The so-called Plan B for Charter change must be abandoned completely for Congress to concentrate on passing long-pending bills that will benefit the impoverished people," ani Virador.

Naniniwala rin si Virador na mas makakatulong sa mga mamamayan ang P125 wage hike kaysa sa isinusulong na Charter change o pag-amiyenda sa Konstitusyon.

Ipinaalaala nito na ilang beses nang nangako ang liderato ng Kongreso na aaksiyunan ang panukala pero hanggang ngayon ay nakabinbin pa rin ito at hindi umuusad.

"Instead of changing the 1987 Constitution, Congress should better pass the P125 Across-the-Board Wage Increase and attend to the hundreds of other bills and resolutions pending at various committees," pahayag ni Virador.

Sinigurado rin nito na susuportahan ng mga manggagawa sa 2007 elections ang mga kongresista na magsusulong ng panukala kaugnay sa pagtaas ng sahod. (Malou Escudero)

vuukle comment

ACROSS-THE-BOARD WAGE INCREASE

BAYAN MUNA

BAYAN MUNA REP

CON-ASS

CONSTITUENT ASSEMBLY

JOEL VIRADOR

KONGRESO

MALACA

MALOU ESCUDERO

VIRADOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with