^

Bansa

GMA, FG ipinasok sa St. Luke’s

-
Ipinasok sa St. Luke’s Medical Center kahapon ng umaga sina Pangulong Arroyo at First Gentleman Mike Arroyo para sumailalim sa kanilang annual comprehensive executive check-up.

Ayon kay Dr. Juliet Gopez-Cervantes, attending physician ng Pangulo at Unang Ginoo, maganda ang resulta ng laboratory examinations na naisagawa sa First Couple.

Bagaman walang problemang pangkalusugan ang Pangulo, sinabi ni Cervantes na pinapayuhan pa rin nila ito na magbawas ng sobrang aktibidad.

Pero dahil ang Pangulo anya ay isang "workaholic", mahirap nitong matupad ang payong limitahan ang kanyang mga gawain.

Samantala, wala ring problemang pangkalusugan ang First Gentleman maliban sa timbang na kailangang bawasan.

Sinabi pa ni Cervantes na makalalabas na sa pagamutan ang First Couple bukas matapos ang ilan pang medical tests. (Lilia A. Tolentino)

vuukle comment

DR. JULIET GOPEZ-CERVANTES

FIRST COUPLE

FIRST GENTLEMAN

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

LILIA A

MEDICAL CENTER

PANGULO

PANGULONG ARROYO

ST. LUKE

UNANG GINOO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with