Ito ang inihayag ni AFP Chief of Staff Gen. Hermogenes Esperon Jr. pero tumangging pangalanan ang tatlong contenders sa Navy top post.
Nilinaw naman ni Esperon na bagaman prerogatibo ng Pangulo ang pagpili ng Navy Chief ay karaniwan nang ibinabase ito sa rekomendasyon ng AFP Board of Generals na siyang nagsagawa ng deliberasyon sa kuwalipikasyon ng mga contenders.
Kabilang sa mga ikinokonsidera sa pagpili ng Navy Chief ay ang seniority maliban pa sa kanilang kakayahang pamunuan ang hukbong pandagat ng bansa.
Ayon naman sa sources sa Navy, kabilang sa mga contenders sina Rear Admiral Rogelio Calunsag, AFP-Inspector General na mistah ni Esperon sa PMA Class 1974; Rear Admiral Petronilo Magno, AFP Deputy Chief of Staff for Electronics and Information System, PMA 75 at Naval Chief of Staff Rear Admiral Emilio Marayag ng PMA 76. (Joy Cantos)