^

Bansa

Susunod na Navy chief pinipili na

-
Inindorso na ng AFP Board of Generals kay Pangulong Arroyo ang pangalan ng tatlong senior Navy officers para ipalit sa puwesto ni Navy Chief Vice Admiral Mateo Mayuga na nakatakda nang magretiro sa darating na Dis. 19 pagsapit sa compulsory age retirement na 56.

Ito ang inihayag ni AFP Chief of Staff Gen. Hermogenes Esperon Jr. pero tumangging pangalanan ang tatlong contenders sa Navy top post.

Nilinaw naman ni Esperon na bagaman prerogatibo ng Pangulo ang pagpili ng Navy Chief ay karaniwan nang ibinabase ito sa rekomendasyon ng AFP Board of Generals na siyang nagsagawa ng deliberasyon sa kuwalipikasyon ng mga contenders.

Kabilang sa mga ikinokonsidera sa pagpili ng Navy Chief ay ang seniority maliban pa sa kanilang kakayahang pamunuan ang hukbong pandagat ng bansa.

Ayon naman sa sources sa Navy, kabilang sa mga contenders sina Rear Admiral Rogelio Calunsag, AFP-Inspector General na mistah ni Esperon sa PMA Class 1974; Rear Admiral Petronilo Magno, AFP Deputy Chief of Staff for Electronics and Information System, PMA ’75 at Naval Chief of Staff Rear Admiral Emilio Marayag ng PMA ’76. (Joy Cantos)

vuukle comment

BOARD OF GENERALS

CHIEF OF STAFF GEN

DEPUTY CHIEF OF STAFF

ELECTRONICS AND INFORMATION SYSTEM

ESPERON

INSPECTOR GENERAL

JOY CANTOS

NAVAL CHIEF OF STAFF REAR ADMIRAL EMILIO MARAYAG

NAVY CHIEF

NAVY CHIEF VICE ADMIRAL MATEO MAYUGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with