Hatol sa Subic rape case inurong sa Dis. 4
November 25, 2006 | 12:00am
Ipinagpaliban ng Makati Regional Trial Court ang pagbibigay ng hatol sa kontrobersiyal na Subic rape case at sa halip na sa darating na Nob. 27 ay ni-reset ito sa Dis. 4, 2006.
Ayon kay Makati RTC Judge Benjamin Pozon, ng Branch 139, dahil sa sobrang dami ng mga dokumentong iprinisinta ng magkabilang panig ay kailangan aniyang mapag-aralan pa ng husto ang mga bago maglabas ng desisyon ang korte.
Umaasa ang kampo ng biktimang si Nicole na makukuha nila ang hustisya at mananagot ang mga sundalong Kano na sina Daniel Smith; Chad Carpentier; Dominic Duplantis at Keith Silkwood na inakusahan niyang gumahasa umano sa kanya noong Nob. 1, 2005.
Kampante naman ang mga akusado na mapapawalang-sala sa kaso. Sakali anyang ma-absuwelto ay babalik agad sila sa Amerika para makapiling ang kani-kanilang pamilya. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest